Tuesday, April 12, 2011

Arabic, Nosebleed?

Arabic, ito ay ang linggwahe ng mga taong Arabo. Alam ko naman na mapanghe kadalasan ang kanilang amoy at alam ko rin na kung makikinig ako sa mga pinagsasabi nila ay talagang di ko sila maiintindihan.

Pero ang tanong? ano nga ba ang nakain ko at kinuha ko ang subject na Arabic Language ngayong summer? Bakit ba di nalang spanish o di kaya naman ay german ang kinuha ko?
Bakit spanish pa? Anak ng teteng naman oh!

Akala ko nung una ay masisiyahan ako sa pakikinig ng mga salitang arabo pero ng dumating ako sa klase, "Wahed sotum, wahed ashnar". Ano ba ang napasukan ko.

Para kaming mga bata sa elementarya, este kindergarten pala.
Alal mo yung "ABCDEFGHIJKL" na paulit ulit na linalagay sa blackboard ng titser natin nung grade 1? parang ganun talaga.

Nung una akala ko ay mestiza ang titser namin. Tama ako. Kastila nga naman talaga ang ugali. Pumasok kasi ako na walang dalang notebook na required niya at ng tinanong niya ako, "Dong, where is your notebook?".

Natulala ako. Laglag ang puso ko. Nahulog din ang sukang hawak ko. Oo, alam ko na kanta to ng eraser heads at wala itong kasali sa usapan natin. Wala akong ibang masabi kundi, "I wasn't able to buy one because I don't have money."

Tama rin naman ang alliby ko. Nasa state university ako at lahat ng tao dito ay pobre, may ibang tao naman na mata pobre.

Minsan, sabi ng kaibigan ko na sinabi daw ng papa niya na ang mga magagandang dalaginding sa Silliman university ay maganda talaga. Walang patawad sa kagandahan. Pero kung pangit naman daw ay walang patawad sa kapangitan.

Ganun din sa Negros Oriental State University, piling pili na nga lang ang magaganda, nag-uumapaw pa ng mga taong bakla.

O, teka. Balik tayo sa usapan. Gusto ko na sanang e.drop ang subject nato pero okay nalang rin. kakayanin ko to. Aanhin ko naman ang mga "matang lawin" ko kung hindi ko naman sila gagamitin. diba?

Sa mga bagong mambabasa ko, kung gusto niyong magkumento ay mag-send lang kayo ng message sa akin sa Facebook. E.add niyo ako ay pag-iisipan ko ng mabuti kong e-co-confirm ko. :)

2 comments:

  1. RyanAdikNgaLambayMay 3, 2011 at 4:05 PM

    ......................

    ReplyDelete
  2. RyanAdikNgaLambayMay 3, 2011 at 4:05 PM

    .....................

    ReplyDelete

Feel free to drop some comments. It will be greatly appreciated. Thank You!