Friday, April 15, 2011

Kahihiyan Dulot ng Arabic...



Nosebleed Part 2 

Nagmukha akong Katawa-tawa sa Arabic Language na Subject ko. Anak ng teteng! Kung may time machine lang sana.


Gagamitin ko yun para plantsahin ang kahihiyang dulot ng pagiging bobo ko sa foreign language.
Tinawag ako ng tiser ko, "Dong, it's your turn." Tapos tumayo ako para pumunta sa pisara ng biglang...
Wala akong maisagot. Problema to. Kaya ang ginawa ko ay bumalik ako sa upuan para tanungin ang seatmate ko. Binigyan niya ako ng sagot kaya bumalik ako sa pisara.
 5 seconds. Si ryan ay nakatulala sa pisara. Nalimutan ang sagot. Kaya bumalik na naman sa seatmate niya at humingi ng tulong... Binigyan na naman ng sagot... I can do this, sabi ko sa sarili ko. Bumalik na naman sa pisara.
 Tapos wala na naman akong maisagot. Punong puno na ng pawis katawan ko. nakatingin sa akin ang Pitong put walong mga mata ng kaklase ko.
Ginawa ko ang kahihiyan na iyun ng talong beses. Tatlong kahihiyan sa isang araw times 31 days times 12 months = Pwede nalang sana akong mamatay?
 Pero sa susunod ay mag-e-evolve na ako. Gagalingan ko na sa klase...

3 comments:

  1. Wala talagang kwenta mga blogs mo...hahaha

    ReplyDelete
  2. Kung gaano kawalang kwenta ang blog ko ay ganun din ang pagmumukha mo. :P

    ReplyDelete
  3. RyanAdikNgaLambayMay 3, 2011 at 4:05 PM

    haha. Nakakatuwa naman mga blog entries mo...

    ReplyDelete

Feel free to drop some comments. It will be greatly appreciated. Thank You!